Sino ba ako?

Ako si Mia. 18 years old sa August 14, 2011. Sophomore student ng Emilio Aguinaldo College (Manila Campus), BS HRM.
Malamang, kaya ka nandito sa page na ito, dahil sa binigay ko yung URL, or napadpad ka lang dito dahil hindi mo ko kilala. Kaya ko nga ginawa tong page na toh eh.
Hmm… sino ba ako?
Para sa mga kaibigan ko, ako si Mia, bungangera. :)
Oo na. Maingay ako. Sobra. Pero pag hindi ko kilala, tahimik lang ako, thus, I am ALWAYS labeled as a SNOB, as SUPLADA, MALDITA, whatever. Wala naman akong pakialam eh.
Ako yung tipo ng tao na walang pakialam sa sasabihin mo. Promise. BOSSY ako. Mahirap pakisamahan. Perfectionist. Ayoko sa mga tatanga-tanga. Sino bang may gusto, di ba?
Ugaling bakla. Sabi ng mga pinsan ko. Marami akong alam. Ba`t di pa ko namatay, no? :D
Nakikinig naman ako sa opinyon ng iba. Pero sa huli, opinyon ko pa rin ang tama. Haha. Walang nananalo sakin sa mga debate, lalo na pag tungkol sa pulitika. Maraming napipikon sakin, at pag na-sense ko ng pikon sila, lalo ko silang aasarin.
PIKON AKO. Kaya wag mo kong aasarin. Lalo na pag “meron” ako.
Masarap akong kasama. Madalas akong manlibre eh. Alam ko naman un lang habol niyo eh. Haha. Biro lang. Pero kahit tanungin mo mga kaibigan ko, pag may pera ako, nanlilibre talaga ako, pero pag wala, pasensya.
Sabi ni Micah, masarap daw ako kasama. Maingay kasi ako. Hindi ka ma-bobore. Di katulad nung iba. Nakaka-bore kasama. Ubos na laway mo kakakwento, sila puro “Hmm.”..
Takot ako sa IPIS. Sa punyetang ipis. At sa gagamba. AT SA KAHIT ANONG INSEKTO. Takot ako sa BUTTERFLY. Hindi ko alam kung anong ikinaganda nila at maraming nagagandahan, eh mga uod lang naman un na nagkaron lang ng makulay na pakpak. (Bitter e. HAHA.)
Ano pa ba..
Lahat naman tayo may kanya-kanyang pet peeves, di ba?
Ako isa sa mga pet peeves ko, MGA TAONG LATE. Yun bang, ang usapan eh, alas-otso, tas darating ng 9. Nakaka-asar di ba? Marami na kong nakasalamuhang ganyang tao, at tiyak ako, HINDI SILA YAYAMAN AT AASENSO. E, sa paggamit pa lang ng oras, hindi na sila marunong eh.. sa paggamit pa kaya ng utak.. (Oops, pasensya sa mga taong laging late, nakaka asar lang kasi e.)
May isang taong laging late lang na hindi ko mapagalitan, si Joyce. E, bestfriend ko yun. Gago ka ba? E di gawin mo rin akong bestfriend para okay lang sakin kahit late ka. :P
Ako yung taong MADALING MA-INLOVE. At sa bilis kong ma-in love, ganun din ako kabilis ma-FALL OUT OF LOVE, AT MAG MOVE ON. Promise.
Wala pa kong boyfriend. Madami lang ka-MU. Ayoko sa commitment eh. BIRO LANG. Haha. May mga naging boyfriend na ko, at minahal ko sila, at kung ilan sila, yun na rin karaming beses akong sumuway sa mga pangakong binitawan ko sa kanila.
Mahal ko naman sila, sila lang ang nagloko. Meron nga akong isang naging boyfriend, at itago natin sa pangalang KC. (Initials nya yan. Hehe.) aba, ang loko, niligawan ako! Tapos, nalaman ko, may syota na pala. Haynaku.
Ang pinaka-matagal kong naging relationship ay with Peter Eric. Two years and two months. MAHAL NA MAHAL KO SIYA. Sobra. Kahit hindi kami laging nagkikita, at kahit na long-distance relationship kami (Nasa Baguio siya, ako nasa Manila), mahal namin ang isa`t isa.
Hanggang sa nagtapat siya sakin na may karelasyon din siya sa Baguio at one year na sila. Sabay kami, halos. Pero sakin siya tumagal. (haha.) Pinakulam ko sya e. JOKE LANG. Haha. Dahil nga sa mahal ko siya, okay lang saken. Ayun. Another year, and two months, tapos sabi sakin ng mga kaibigan ko, tigilan ko na dahil mukha na kong tanga at gago.
E di sige. Tigil. Break. Iyak pa ko nun sa kanya. Iyak din siya, tas kinantahan pa niya ko sa phone ng “With You” (Chris Brown)
Hay.
Ganun talaga ang buhay eh.
Ano pa ba ang dapat kong i-share dito?
Ah. Mga gusto ko naman.
Yung mga kaibigan ko, kaya ko sila naging SISTERS, ay dahil sa pare-pareho kami ng gusto. Iba-iba kami ng ugali, pero nagkakasundo.
Si Micah, na-meet ko nung first year. Bestfriends na kami since. Kahit na mellow siya, at ako tough candy. Opposites kami, as in totally opposites.
Si Joyce, kilala ko na nung first year, pero ndi ko pinapansin. Haha. Tas nung third year, naging mag classmates kami, ayun. Bestfriends na din kame.
Si Anja, AYOKO DITO E. ANG KIKAY KASE. NAKAKA ASAR YUNG MGA HEADBANDS NIYANG PARANG NAGMUMURA SA LAKI. PARANG GANITO, NAKA ALL CAPS. Hahaha. Pero naging mag bestfriends kami, at lagi ko pinapayuhan yan pagdating sa mga lalake. Pano ba naman, naligawan lang, sinagot agad. :|
Yan sila. Makikilala mo din sila pag gumawa na sila ng Tumblr, at marunong na mag-blog. HAHAHA. Joke lang. Marunong sila, pero mga tamad.
Ang gusto ko sa isang tao ay ang kanyang pagiging totoo. AYOKO SA PLASTIC. Pero kung plastic ka sakin, aba, plastic din ako sayo. At maraming tao ang ganyan sakin, kaya plastic ako sa tingin ng marami.
Pero ang totoo, kung anong ibibigay mo saking pakikitungo, yun din ang pakikitungo ko sayo.
Para quits, di ba? ;)
I never accept defeat. Kung pwede nga lang may rematch ang lahat, talagang lalaban ako para manalo. Pero sport ako, hindi ako napipikon kapag natalo o nagba-badmouth tungkol sa kalaban kapag natalo. Hindi ko lang talaga matanggap yung fact na talo ako. GULO. :D
Ayoko ng taong hindi nagsasabi ng totoo. SINUNGALING. Lalo na pag alam ko na yung totoo, tapos mag sisinungaling pa sakin.
May mga naging kaibigan ako nung first year, at nakakainis sila, dahil nag sisikreto sila sakin, eventually, nalaman kong ayaw nila sakin. ANG KAPAL NG MUKHA NILA. Nilayuan ko sila since. At sila ang naging inspiration ko para maging matapang at matatag. I learned that HIGH SCHOOL IS A BATTLEFIELD. Kaya I created my own army. ;)
I appreciate other people`s success and I make them my inspiration. Lalo na yung magagaling sa Math. Pero kadalasan, naiinggit lang ako, tapos, tapos na. Wala nakong pakialam.
Na-eepalan ako sa mga katabi ko pag Math. Lalo na nung tinabi ako dun sa Math genius namin. May kulani na ata sa kili kili yun kakataas ng kamay pag may tanong si sir eh.
Lalo pang badtrip ng malaman kong may kaklase akong JEJEMON. Waaaa! Jejemoooooon! :| Oops, tama na, nagiging stereotype na e. Wala naman silang ginagawang masama, PERO DAPAT NA SILANG MAPAWI SA MUNDO!!
BV ang mga Jejemons. Kahit kelan. Dati, nung wala pang tawag sa kanila, naasar na ko sa mga ganun mag text. DI KO KASI SILA MAINTINDIHAN. E pano, pinapahirapan pa nila sarili nila sa pag tetext at pag cha-chat.
e0ws p0wHs.. mUsZtAhh p0wS yOuU??
Shet. Mamatay kana.
Haha.
Inglishera ako, pero tinagalog ko talaga tong page na toh para mas masaya. :)
When I get mad, este, pag nagagalit ako, todo english ako, at pag nagpapaliwanag ako, english din. Minsan nga, Filipino time, nakakapag english ako. Pero favorite pa rin ako ni Ma`am Papa. Kahit lagi ko siyang ginagaya. Haha. (Namimiss ko na si maaaaam.)
Adventurous ako. Pero ayoko napuputikan ang paa ko pag naglalakad. At pag nasa beach ako, ayokong nalalagyan ng buhangin ang paa ko, LALO NA PAG BASA. Nakakadiri kasi yung feeling. Haha.
I hate rainy days. Lalo na yung RAINY DAYS WITH MATCHING BROWNOUT SERIES. In short, ayoko sa buwan ng June at July. TAG ULAN E. Tapos, start pa ng school.
I love ice cream. Vanilla flavor. ;)
I love Zagu. Vanilla flavor. ;)
I love Halo-halo. Vanilla flavor… haha. Este, SAGO LANG ANG GUSTO KO SA HALO-HALO.
I love Banana con yelo. Sobra. :)
Kumakain ako ng tuyo, KAPAG MAY CHAMPORADO. Pag wala, tae mo, kainin mo yan.
Mahilig ako sa pan de sal, pero pag may palaman, ayoko na. Oo. Ganun ako. Ayoko sa kesong nasa tinapay, or butter.
Pero gusto ko ng keso pag nasa spaghetti. At ang tanging spaghetti na may lasa sa dila ko e yung luto lang ng nanay ko. Kahit yung sa Jollibee, ayoko. Kay mama lang. :)
Marunong ako mag luto. Specialty ko ay SHRIMP WITH ASPARAGUS. :) Pampa-high blood. Hahaha. Specialty ko din ang Beef Stew with Celery. Lahat sila ay “with”..
Ang aso ko ay lima. Si Majime (Chihuahua), si Bravo (Mini-Pinscher), si Alpha at Sachi (Mini-Pinscher) at si Bonjour (Poodle). At lahat sila ay makukulet at walang alam kundi ang kumain at matulog.
Sa ngayon, ang mga kaibigan ko ay mula sa iba’t ibang paaralan.. haha. Marami silang naging friends ko from the first semester. Pero ang natira nalang sakin ngayon ay si Marielle/Yeye, si Jep/Bilog, si VR/Torio, si Richard, si Selina, si Sam, and si Vin.
Ngayong nasa college na ko, lagi nalang ako sa fastfood kumakain. Nasasawa na nga ako e. Minsan, ayoko na kumain. Pero ang takaw ko talaga e.
Ayan. Ang dami ko ng sinabi. :D
Paboritong kulay… VIOLET, BLACK, PINK, AT Green. :)
Ayoko sa DILAW. Kahit maka-Noynoy ako. AYOKO EH.
So ayan, yan muna sa kasalukuyan ang aking itatala dito. Haha. :D
*UPDATE*
Ngayong summer, (first summer ko as a college student), dapat mag aapply ako ng mga summer jobs. Kaya lang, dulot ng tadhana, napadpad ako sa PHILIPPINE STAGERS FOUNDATION. Isang non-stock theater company, spearheaded by Atty. Vincent M. Tañada. Halos 2 buwan akong nakisama sa iba`t ibang klase ng tao. Marami akong naging kaibigan, yung iba, ka-ibigan. HAHA.
Di maiiwasan yan, parte yan ng paglaki.
Nagrecital kami. Yung “Ako Si Ninoy” na original piece ni Direk. Salamat sa Panginoon, nakakuha ako ng lead role, si Miss Nuñez. At mas salamat sa Panginoon dahil nanalo akong BEST SUPPORTING ACTRESS, at nakasama pa sa Top 10 ng summer workshop 2011.
Malaki pasasalamat ko sa PSF, lalo na kay Direk, at sa mga kaibigan ko dun, kay SERDJEY at LESTER at sa iba pang mga naging kaibigan ko. Sa mga stagers, kay Kuya Genesis.
Isang groundbreaking experience itong PSF na ito para sakin. :)
Thank you for visiting this page. ;)
*sorry kung may nakabasa neto na jejemon a. but we’re entitled of our own opinions. so.. sorry. k?
Chalk Board theme

